• haha..kanina pala sinabi ko sa twitter na ang sarap ng ulan!! haha.. natikman ko na ba?.. yan tayo eh..

  • May 4th
  • Kung lagi kang negative, walang mangyayare sa buhay mo!

  • May 4th
  • di ako titigil hangga’t di ko nakukuha yung gusto kong marating

  • May 4th
  • To please or not to please

    hahaha..sino ka nga ba para pilitin kong gustuhin o sang ayunan mo ang lahat ng gagawin ko.. i do believe na lahat pede kong gawin for as long as hindi ka apektado.. hindi naman kita nasasagasaan sa mga ginagawa ko at balak kong gawin kaya hindi naman siguro dapat na pakelaman mo ako.. may iba’t iba tayong gustong gawin.. nagkataon na hindi talaga tayo pareho ng nasa utak kaya sana naman dumistansya ka.. 

  • May 4th
  • Alcatel OT-255

    Yuhp this is my new phone, actually pansamantalang phone. hehe. Nahihiya pa akong magpabili ng mahal dahil nanakaw yung last phone ko anyway i’m going to make a review about it.

    Cost: 1,199.00 pesos

    with charger and headset.

    Full Specs: http://www.gsmarena.com/alcatel_ot_255-3182.php

    Tama, ang mura di ba? Pero ang tanung katulad din kaya ang battery ng ibang murang cp like cherry mobile. Well, hindi siya madaling malowbat. Yan naman kasi talaga ang tanung ng karamihan pag dating sa cp. Kung madali ba itong malowbat. I bought this 3 days ago. First charge ng cp ko was 6:50 pm up to 9:50 pm. Sabi kasi 3 hrs kapag icharge so sinunod ko un. Tumagal yung charge ng 25 hrs kasi 10:45 pm na ako nagcharge kinabukasan. Puro text and tawag ako kasi sun. Dual sim din siya so no need to have an extra phone.

    Qwerty Keypad siya, maliit kasi maliit lang din naman yung phone. Super gaan and it comes with 3 colors, GRAY, BLUE and RED. Mine is blue.. Yung pagka blue is parang may glitters. Maliit lang din yung screen. I’ll just post a link for the specs of the phone. 

    Charger, maliit lang yung charger niya compare sa charger ng nokia  pero mas makapal yung cable niya kaysa sa ibang charger. Di siya fast charger so kailangan mo mag charge for maximum time of 3 hours para mag full. Pero wag papaloko sa screen kasi magstop nang gumalaw yung battery indicating a full charge even though hindi pa so to be safe follow the manual. Para din di masira yung battery wag mag over charge.

    Available yung internet natry ko ng mag facebook, yung free facebook ng sun. ok naman kaso malaki masyado yung mga letters for the small screen. Nakapag update na ako ng status at nakapag message na ako. ok naman siya para sakin. Hindi ko pa natry mag google and browse ng website na mejo malaki ang byte. But i’ll try and make another review about it. But so far ok naman ang internet niya.

    It has the basic necessity you need like messaging, call, alarm, calendar, notes, calculator, radio, games, tasks, and converter. Yan naman kasi talaga yung mga basic na kailangan natin di ba? Pinaka gamit na gamit ko syempre yung calendar and tasks. Panda and Chicken yung games niya. Boring yung game pero hindi ko naman binili yung phone for gaming purposes but for communication so its not a big deal for me. Radio, ok din siya kaya nga lang mahina yung headset so you better buy another one, yung mas magandang headset. Calculator is basic lang din.

    Massage should be constantly deleted kasi nakakabagal ng pag bukas ng inbox. Ang gusto ko dito yung conversation type. You can choose from what kind of view you want your massages to achive. It can be a conventional one (normal one, inbox with outbox) or it can be a conversational one. Im using the conversational! For calling purposes, malinaw and malakas. Maganda yung labas ng sound and meron din siyang loudspeaker. May call waiting and call barring. 

    As of now ito pa lang yung mashare ko about this phone. I can say that it is a good deal for the price. So if want one, then grab one.

    PS: This is my first review. So alam kong may mga kulang kaya pag bigyan niyo na.. I hope it is informative enough. Thank you. ^^,

  • March 29th
  • Parttime Job!?!

    My friend Koojie Aketa is looking for ladies who are interested in doing a part time job.
    Job description: Promodizer/Ushering
    Requirement: Pretty and has a Pleasing Personality
    Needs to be in Metro Manila
    18-28 years old

    Please PM or text me @ 09179762595(Globe) 09093231630(Smart)

  • March 29th
  • Dream: “IPIN”

    Anung panaginip ba ito..Super kinabahan ako..Natanggal daw lahat ng ipin ko.. Asa panaginip ko si mama, papa, mama dada at pinsan kong si patpat.. Sa panaginip ko naliligo si mama kasi aalis siya, tapos ako nasa banyo bigla ko na lang naramdaman na maaalis ang mga ipin ko so tumakbo ako papunta kay mama..eh nagmamadali na siya kasi nga paalis na siya kaya nilapitan ako ni mama dada at patpat.. Tapos isa isa nang nahuhulog yung mga ipin ko nun.. Ang nakakatawa relax lang ako.. Parang wala lang kahit na ipin ko na yung natatanggal parang normal lang.. Hahaha.. Ang nakakatawa pa iba iba ug kulay ng ipin.. Hindi lang white, may pink at violet. pero hindi yung mukhang bulok huh.. Yung parang likas na ganun ang kulay ng ipin.. (Yun pala fairy) Pinaglaruan ko daw yung isa kong ipin.. Tapos nakita ko ung loob nagulat daw ako kasi may parang wire.. Tapos bigla akong nag tanong kay mama dada kung sino ang gumawa ng tao, sagot niya Diyos.. Tapos sabi ko bakit my wire ang ipin ko, pinakita ko din syempre, sagot na niya edi tao.. haha (parang ewan lang, dinamay ko pa si papa god) Nagsalamin ako pag katapos kasi tinitignan ko yung ipin ko.. Pero hindi pa din ako natatakot, nasa isip ko naman kasi meron naman pustiso.. hahaha.. Nung nagsasalamin ako may nakita din ako wire sa may ipin na natanggal tapos pinakita ko ulit kay mama dada.. kumuha pa kame ng picture nung ipin at nung wire sa bibig ko.. gagawa daw siya ng review.. hahaha.. tapos edi kailangan ko ngumanga ng maayos para makuhaan niya, nung nakuhaan na niya ng picture bigla nanaman natanggal yung isa kong ipin..

    Sa totoo lang di ko alam kung matatawa ako o matatakot pag gising ko kaya kinagat ko yung kahoy dun sa may dingding.. Sabi kasi ng matatanda ikagat daw sa matigas na bagay pag nanaginip na natanggal ang ipin.. Pero syempre nagdoubt ako sa ginawa ko kaya pag kakagat ko ng kahoy ginising ko si mama tapos kinuwento sa kanya.. Mali pala ang ginawa ko di pala dapat sa kahay sa bakal daw kaya kinagat ko yung kutsara.. Anyway nakwento ko lang kasi ang kulit nung panaginip ko.. Pakikwento na din kung may nangyare sa inyong ganyan at kung ano yung naging resulta? Kasi may kasabihan na may mamamatay daw kapag nawalan ka ng ipin sa panaginip so pakisabi nga sakin kung totoo..medyo natatakot kasi ako sa pede maging resulta kasi puro importanteng tao sa buhay ko yung nasa panaginip ko.. salamat ^_^

  • March 29th
    March 1st
    70,862 notes
  • SUPER Sleepy ano ba naman ito

  • January 14th
  • Baby Dren.. tinakot mo ko.. hehe

    Baby Dren.. tinakot mo ko.. hehe


  • January 12th